Thursday, December 2, 2010

RH BILL


Ang Reproductive Health Bill na kilala bilang RH bill ay ang matagal ng pinaguusapan ng mga Pilipino at ang mga pari ay hindi sang ayon dito dahil labag ito sa utos ng diyos. Ang nilalaman kasi nito ay ang pamimigay ng mga BCP's o Birth Control Pills at ang IUDs o Intrauterine Device upang mapigilan ang pagbubuntis. Ang layunin kasi nito ay ang makontrol ang pagdami ng populasyon sa Pilipinas dahil marami kasing mga magulang na madaming anak ngunit walang trabaho para mapakain at mapagaral ang kanilang mga anak. Ang gusto kasi ng pamahalaan ay makontrol natin ang ating populasyon para narin sa mga magulang na naghihirap sa sobrang dami ng anak.Nagbibigay din ito ng dagdag kaalaman para sa mga murang edad na bata sa wastong paggamit ng mga contraceptives ngunit hindi nito layunin na gumamit ang mga murang edad na bata na gumamit nito nagbibigay lamang sila ng kaalaman. Nang nagbigay naman ng comment ang Pope na si Pope Benedict XVI ay naging napakalaking kontrobersyal nito dahil sa animo'y pag payag niya sa paggamit ng condom nagkaroon naman agad ng iba't-ibang reaksyon maging sa Pilipinas. Kung maaalala, ikinagulat ng marami ang kanyang opinyon dahil sa mga dati nitong pahayag, madalas nitong sisihin ang condom sa mas mabilis na pagkalat ng AIDS tulad ng lamang ng kanyang statement nang bumisita sa Africa noong nakaraang taon.
Sa Pilipinas, matatatandaang naging mainit ang palitan ng pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)  hinggil sa isyu ng artificial birth control.

Kung sakaling ito'y maipatupad maaaring makontrol natin ang populasyon at mapigilan ang biglaang pagdami ng mga tao. Ngunit malaking pera ang kakailanganin upang mapatupad ang batas na ito at ang mga contraceptives na ipamimigay sa libo-libong katao. At hindi sang ayon ang mga pari sa paggamit ng mga contraceptives dahil labag ito sa utos ng diyos. Masama din ito dahil maaari din itong gamitin sa masamang paraan.


Pero kung ito nga ay maipatutupad ay makabubuti ito para sa mga mahihirap upang makapag family planning pero dapat ay may limitasyon din sa paggamit. At para matutunan rin ang tamang paggamit ng mga contraceptives. At makokontrol narin ang pagdami ng tao sa Pilipinas. 




SANG AYON KA BA NA IPATUPAD ITO O HINDI ?!!

43 comments:

  1. ..Para sa akin depende na yan sa tao..
    ..pero mas pumapabor ako sa hondi kasi parang hindi nila binibigyan ng karapatan yung batang puwede nilang maging anak na mabuhay dito sa mundo..

    ReplyDelete
  2. Ang isyung ito ay maaring may maidulot na kapakinabangan sa ating bayan at maari din namang magbunga ng masama. Para sa akin hindi ako sang-ayon dito dahil mga tao lang tayo at walang karapatan na kontrolin ang buhay ng iba. Wala tayong karapatan ngunit may responsibilidad tayo. Kung mapatupad man ito o hindi tayo na ang humusga at tayo na rin ang bahala kung susunod ba tayo o hindi.

    ReplyDelete
  3. Hindi ako sang-ayon sa RH Bill sapagkat,hndi populasyon o dami ng tao ang dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas! e kung sa ibang bansa nga e, ganu kadaming tao dun, pero maunlad padin naman ang bansa nila. At dun sa komento ni Lorenz, tama nga namang hindi dapat tayo mangielam ng buhay ng iba dahil hndi din naman nila pinapakielaman tau,. dba? At kung maipapatupad naman ito, hndi magdadalawang isip ang mga kabataan ngaun na nasa mga mura pa nilang edad ay mgpapabuntis na agad sila, tapos ipapalaglag. Napakadmi lalong magagawang ksalanan nian! kya SAY NO TO RH BILL!!

    ReplyDelete
  4. Ang Panginoong Diyos lamang ang may kapangyarihan na bigyan tayo ng buhay. Walang sinumang tao ang may kakayahang gawin o bawiin ito. Ang Simbahang Katolika ay mahigpit na kinukundena ang kaisipan ng pagpapasa ng RH Bill. Ang RH bill bagaman ay isyung pinag-uusapan ngayon ay nakahahadlang sa gawaing makasimbahan at makadiyos. Hindi ito solusyon sa lumolobong populasyon ng ating bansa. Kung maipapasa ang "batas" na ito sa ating bansa, nasaan na yung sinasabing "predominantly christian nation in Asia"? Wala na rin tayong pinagkaiba sa mga halang ang kaluluwa na pumapatay...AKO'Y HINDI SUMASANG-AYON!!!
    Mag-isip...Magnilay...Kumilos

    ReplyDelete
  5. masa2bi nteng mka2tulong ito sa ating populasyon ngunit my dala rin itong msmang epekto lalo n kpg sa masamang praan ito gnmit. at lalo lng maiimpluwensyahan ang mga kbataan sa pggmit nto dhil iisipin nga nmn nila n hindi cla mbu2ntis. kya AKO AY HINDI RIN SUMASANGAYON SA RH BILL!!!


    ~ MHANELLE :]

    ReplyDelete
  6. HINDI aq sang ayon dyan! ang hilig nila tapos ganun ang gusto nila! pero mkakatulong nga ito sa pagdami ng pupulasyon, pero sa mata ng Diyos msama pa rin ito. kaya ang simbahan ay labag dito. gnun din aq, hindi din aq sangayon dito.. (((;

    ReplyDelete
  7. HINDI dahil sisirain nito ang buhay ng maraming tao... pag naisatupad ito mgiging legal ang abortion... pano n lng ang mga batang nde masisilayan ang ilaw ng mundo?

    ReplyDelete
  8. HINDI.. nde kasi nla naiintndahan ang khalgahan nan buhay.. tsk.. batang walang muwang sa mundo an magi2ng biktima jan.. panu uunlad an mundo kung ung kabataan na sinasabi nlang pagasa e inuubos nla..

    ReplyDelete
  9. Hindi ako sang ayon sa RH bill na pilit nilang pinapatupad.., dahil maraming masamang bagay ang pwedeng idulot nito sa lahat.. hindi lang sila pumapatay ng mga batang walang kasalanan. Pinapatay rin nila ang nagsisilbing pag-asa ng banyan...

    ReplyDelete
  10. para saan ba ang ginawang 10 utos ng Diyos? di ba para sa atin... kaya dapat wag nating yung abusuhin...! at hindi rin tau binuhay ng Panginoon upang kumitil ng buhay na nasa sinapupunan pa lamang..! kapag na2pad kasi ang RH Bill pahihintulutan nito ang paggamit ng mga condom kah8 na nasa high school pa lamang... wla nang maaring matira sa ating mga kinabukasan kung ganoon na nga ang mangayayari... kaya sa madaling salita, HINDI ako sang-ayon! NAPA-IMORAL na paraa ang naisip nilang ito..

    ReplyDelete
  11. di dapat ipatupad yan dahil magkakasala tau sa mata ng diyos...
    napakaimoral nga nmn yan at para natin tinapon ang grasyang binigay ng diyos..
    dhil ang buhay ay regalo stin ng diyos...

    ReplyDelete
  12. Hindi ako sumsangayon sa RH Bill..dahil maraming batang namamatay dahil sa ABORTION..nakakatulong din naman sa pagiwas sa paglaki ng populasyon at pagkakaroon ng sakit..

    ReplyDelete
  13. hindi ako sngayon d2 hindinmn ito ang kasagutan sa problema ng ating bayan kaya dapat hindi ito maisabatas at ito ay isang malaking kasalanan.

    ReplyDelete
  14. Sang-ayon ako, dahil may tiwala ako sa ating Santo Papa, na wala siyang masamang hangad para ating lahat. Ngunit may pag-aalinlangan din ako sa bagay na ito, sapagkat maaari itong abusuhin ng mga taong walang pagpapahalaga sa mga bagay na katulad nito. ^_^

    ReplyDelete
  15. hindi akoh sang ayon sa batas na ito,kasi maraming kabataan ang masisira ang buhay...sana wag natin suwayin ang utos nang Diyos...SAY NO TO RH BILL..

    ReplyDelete
  16. hindi ko pinapanigan ang batas na ito sapagkat ito'y labag sa simbahan at sa utos ng Diyos. kontrolin natin ang pag-angat ng bilang ng tao sa mabuting paraan.

    ReplyDelete
  17. Syempre hindi ako sang-ayon sa RH bill.. Sapagkat maraming bata ang mawawalan ng kinabukasan samantalang hindi pa naman siya tuluyang nasisilang.. Pero ang mahirap sa ating mga Pilipino, may sariling takbo ang ating pagiisip pero sana ipagdasal natin na hindi ito maipasa..
    Ika nga, " Decision is an act of will, not our conscience.."

    ReplyDelete
  18. ,,para sa akin hndi dpat ito ipatupad hndi nmn ang dami ng population ang problema ng pilipinas,,at ala nmn clng karapatang makialm ng buhay ng iba...cguro pag ipinatupad yan lalo lng magpa2buntis ang mga ba2eng nsa murang edad,tpus ipapalag2,,malaking kasalanan sa diyos yan,,,,

    ReplyDelete
  19. Hin di.. Kasi, pag naipatupad ang batas na ito,maraming bata ang makakasilay sa ating mundo. Kawawa naman sila pag naipatupad ang abortion. At lalong maraming bata ang mawawalan ng kinabukasan dahil sa RH Bill..

    ReplyDelete
  20. There are historical patterns that if we care to seriously reflect on would inform us of certain repeated forces known to have driven great events

    ReplyDelete
  21. .,.pra skn d dpt,..kc kwawa naman ung mga batang dapat pang isilang sa mundo,..at higit sa lahat isa itong kasalanan sa diyos,.

    ReplyDelete
  22. pra skin hindi dpat ipatupad yan dahil wlah nmn sila magagawa kung gusto pang mag anak ng mag asawa kung mapapatupad yan papanu na un mga bata nsa tyan di ipapa abortion nlah mag kakaslanan pa slah sa siyos

    ReplyDelete
  23. pra sa akin hindi dpat ipatupad yan, dahil nagkakasla tayo sa dyos at naapektuhan din nmn ang mga bata na maaring mbuhay.

    ReplyDelete
  24. . im not agree first of it, nilalabag nila ang utos ng Diyos para na silang pumapatay,ang baby ay isang biyaya kaya hindi dapat pigilan ito, and second is hindi ba nila naiisip na pwede ito gamitin ng mga teenagers ngayon para makapag-enjoy ng hindi mabubuntis. TAMA?

    ReplyDelete
  25. bakitt pa ng ipapatupad ang mga ganitong bagay kung matagal na naman ti gngawa ng tao, hindi nman ipinagbawal ng pamahalaan ang pagbili ng contraceptives sa mga drug store at clinics.ano pa ang bgo dun.... :)

    ReplyDelete
  26. ndi aq sang-ayon sapagkat isa itong paraan ng pagpatay ng buhay ng tao at pag gumamit k ng mga contraceptive pwde kang makakuha ng sakit

    ReplyDelete
  27. magandang idea yan pero napakalaking kasalanan yan kay jesus christ!,,

    ReplyDelete
  28. nako,sa aking pananaw,hindi ang lomolobong populasyon ng 'pinas ang dapat sisihin kundi ang mga mamamayan na walang ibang ginawa kundi magdagdag ng anak,samantalang wala naman silang mahusay na hanapbuhay,at hindi kayang buhayin ang kani-kanilang pamilya..hindi dapat ito ipatupad,dahil isa lamang itong paraan ng pagpatay ng kapwa,na kaylanman ay hindi magiging tama sa mata ng diyos at sa mata ng lipunan..

    ReplyDelete
  29. hindi ako sang-ayon dito... may iba pa namang paraan upang masolusyonan ang problemang kinakaharap ng Pilipinas hindi ang pagpigil sa pagdami ng tao gamit ang mga contraceptives na wala namang idudulot na kabutihan sa ating pamumuhay bilang mga Kristiyano...

    ReplyDelete
  30. syempre hindi ako sang-ayon dito... alam kong maraming maaaring maapektuhan at masira dahil sa bagay na ito, kagaya na lamang ng pagwasak ng buhay at ng ating sariling katawan at pagkatao... ngunit kung ito ma'y maisakatuparan, nais ko sanang maipaliwanag muna ito ng ayos ng ating pamahalaan

    ReplyDelete
  31. hindi dahil lumlabag ito sa utos ng diyos.,di bale ng dumami ang populasyon.basta walamg kasalanan

    ReplyDelete
  32. hindi aq sang-ayon dito, .dapat hndi na ito ipatupad, kasalanan ito sa diyos. kahit naman marami ang bilang ng isang pamilya kung magtutulungan tayo hindi n kailangan pang gumamit pa ng contraceptives n wala namang mgandang maidudulot sa atin. .

    ReplyDelete
  33. ako man ay hindi payag dito..ang panukalang ito ay kasalana s dyos at ang paggamit p ng contraceptives ay maaaring makasama p s kalusugan ng gagamit nito

    ReplyDelete
  34. HINDI!
    HINDI talaga akong sumasang-ayon sa RH Bill na ito! At kahit kailan di ako sasang-ayon dito. Bakit? Kasi bilang MABUTING KRISTIYANO,iginagalang ko ang karapatan ng bawat isang mabuhay. At kung sakaling matupad man ito, isipin naman natin ang kahihinatnan ng ating bayan na kay tagal din nating ipinaglaban. Huwag naman nating gawing kahiya-hiya ang ating bansa,lalo na ang ating lahi. Kung maisakatuparan man ito, ay panahon na para magdiwng ang mga taong wala ng ginawa sa buhay kundi magpakasarap. Kung sinasabi nilang ito ay solusyon sa mabilis na pagtaas ng ating populasyon, marami pang ibang paraan, hindi ganitong klase ng pagwalang-bahala sa karapatan ng bawat isa. DISIPLINA SA BAWAT SARILI ang solusyon sa patuloy na pagdami natin. Kung mayroon lamang tayong disiplina sa ating sarili ay hindi sana magkakaroon ng napakaraming bilang ng mga Pilipinong naghihrap lalo na ang mga kabataang pinabayaan na ng kanilang mga magulang, na pagkatapos magpakasarap ay binabalewala na ang kanilang responsibilidad.

    ReplyDelete
  35. hindi ako sumasangayon sa panukalang batas na ito. kung sinuman ang nagpanukala nito marahil ay ndi niya naisip na sa kabila ng mgandang maidudulot ng batas na ito sa populasyon ng Pilipinas ay maaari nitong labagin ang utos ng simbhan at karaptan ng mga tao na mabuhay sa mundo na may moralidad.

    ReplyDelete
  36. dpt lng n hindi ito ip2pad dhil prang mwwln ng respeto ang bwt isa llo n s simbahn,,prng mwwln ng bisa ang mga disiplina llo n ang mga kbtaan ngayon d hndi n mggng mhlga ng respeto and disiplina llo n sa srili..

    ReplyDelete
  37. Sang-ayon ako sa Family Planning ngunit hindi sa RH Bill na ito. Kalakip kasi ng pagpapatupad nito ang paglalaan ng pondo para sa mga libreng contraceptives na ipamimigay sa mga kapos-palad nating kababayan. Kung ang maraming milyon na pondo ay ilalaan na lamang sa mga proyektong mas marami ang makikinabang, tulad ng mga paaralan, ospital, etc., edi mas maganda pa.

    Para sakin, kung hindi kayang disiplinahin ng mga mag-asawa ang kanilang sarili tungkol dito sa natural na paraan, responsibilidad na nila na magprovide ng mga artificial contraceptives para sa sarili nila. Ngayon, ang mga kapos-palad nating kapwa ay mapipilitan na magkaroon ng self-control sapagkat silang pamilya rin ang mahihirapan. Kakailanganin nga lamang siguro ng mga seminar tungkol sa bagay na ito upang magsilbing paalala o babala sa ating mga kababayan.

    ReplyDelete
  38. hindi ako sang-ayon sa programang ito dahil isa tayong katoliko at ito ay isang malaking pagkakasala sa ating mahal na Panginoon.

    ReplyDelete
  39. isa nanamang ilegal na gawaing gustong ipatupad ng ating bansa..alam nating lahat na khit ang simbahan ay tutol na tutol dito,pero bkt npka dme pdn nating kapwa pilipino ang sumasang ayon dito,,at ako ang isa s mga taong tutol na tutol s gawaing ito..

    ReplyDelete
  40. para sa'kin, d dpat sang-ayunan yan..kasi alam naman natin na kasalanan yan..khit pa sbihing fetus plng un, may buhay na dn un.oo nga at nkakatulong ito sa pagcontrol ng populasyon, pero masama pa rin ang paraan na ito.ska nasa tao na naman un kung anong paraan ang gagawin nila..dpat matuto silang magcontrol.

    ReplyDelete
  41. i would disagree of this bill because it gives every woman specially the teenager to have the rights and free access to abort the baby inside the womb of the mother R.H bill is not the answer to eliminate the our population it should be bias of this bill let us remember that killing baby inside the womb it’s just like give us to free and legalized the murder in our society baby is not an animal is a human and our constitution mandated that every people has the right to fight for there freedom to live not killings.

    ReplyDelete
  42. sa totoo lang, ok nmn 'tong "RH bill" eh, kaso nagiging iba ung pagka2intindi ng mga tao tungkol dito..at kung maiptupad mn yan, ano? papatay tau ng tao?.. kea maiging ibasura n lng yan.. tyka mas marami nmng tututol jan ee, kesa sa sasangayon..

    ReplyDelete
  43. tutol ako sa pagsulong ng RH BILL dapat na yang ibasura! LIFE is the Greatest Gift that GOD gave to us, kaya walang dapat humadlang nito kahit sino man! tanging Diyos lamang ang may karapatan nito! Pro LIFE ako NO ako sa RH BILL

    ReplyDelete